Friday, October 20, 2006

Ayoko na...


Bakit ganun ang buhay?? Ang hirap naman... Kahit bakasyon na, hindi pa
rin ako makatunganga... Laging nag-iisip. Pano nga ba malalaman kung
tama ang mga pinaggagagawa nating desisyon?



Ayoko na... Ata... Pero ano nga ba mangyayari afterwards? Hindi ko na
alam ano gagawin ko. Mag school na lang kaya para hindi ko na ito
isipin?? Kung kelan kasi nagkakaoras para sa sarili, doon nalang
napapaisip. At least kung madami ginagawa, hindi pa kailangan isipin
hanggang sa dumating na iyong oras. Tapos iyon nga lang, pag dating sa
oras na iyon... hindi mo nmn alam kung tama nga iyong ginawa mo.
Although kahit ilan beses isip-isipin, never mo naman tlga malalaman
kung ano ang gusto mo.



Ayoko na, pero ano ang mangyayari??? huhuhu Baka nmn natatakot lang ako
sa pagbabago? Actually, more importantly, happy ba ako sa decision ko?
Minsan kasi oo, minsan hindi... Pano ba naman iyon? hehe ang gulo gulo
tlga ng isip ko! Bakit ba ako ganito? Maybe someone should make the
decision for me... or something. Pero kahit may decision na by that
something, hindi pa rin nman ako nag aagree sa decision niya.
Obviously, ayoko iyong decision na iyon hehe



Nakakainis nmn! Ano ba ang gusto ko?









2 comments:

  1. i think alam mo na kahit tabunan mo ng skul or ipagawa sa iba, ultimately ikaw ang pinakamaapektuhan. kaya nga decision MO. dont worry, we'll work out a custody agreement.

    ReplyDelete